Ayon sa isang sinaunang kwento, ang isang lalaki ay hinabol ng dalawang tigre.
Takbo nang takbo siya hanggang sa dumating siya sa gilid ng isang bangin.
Wala siya ibang magagawa, para tumakas mula sa mga tigre na nasa kanyang likod, kundi ibitin ang sarili sa isang sangga na nasa pader ng bangin.
Subalit napansin niya na:
1 ang sangga ay kinakain ng dalawang daga at malapit nang maputol
2 sa ilalim ng bato dalawa pang tigre ang naghintay sa kanya
Sa mismong sandaling iyon nakita niya ang isang masarap na prutas na nakabitin sa sangga, kinuha niya iyon at tinamasa niya ang pinakamasarap na prutas sa kanyang buong buhay.
Ang ating buhay ay lagi nagbibigay ng mga tigre sa atin, ngunit, kasama ng mga tigre mayroon din ang mga prutas.
Alin kaya ang pinagtutuunan natin ng pansin?
Gumugugol ba tayo ng ating mahalagang mga sandali sa buhay para tamasahin ang mga prutas o para mag-alala tungkol sa mga tigre?
No comments:
Post a Comment