Review
We finally tried the famous bilao from Mang Inasal! No'ng nakita ko 'to sa Tiktok, grabe, gusto ko talaga agad siya ma try. Yes, ilang beses na kami nakakain sa Mang Inasal and ilang beses na namin natikman 'yung chicken inasal nila but the barbecue? And the java rice? Sobrang anticipating ako na matikman siya and I am so so glad na tinikman namin because for just ₱709.00, mabubusog na kayo! This is supposedly good for 4 to 6 pax pero dahil matakaw kami, sakto lang sa'ming apat 'yung bilao haha. Sa isang bilao, you can expect 3 pcs. of Chicken Inasal, 6 pcs. barbecue, and a whole bilao of java rice with of course, toyo and signature chicken oil, and their new sauce na peanut sauce for the barbecue.
Pagdating sa lasa, well, typical taste ng chicken inasal pero the barbecue, sobrang lambot ng meat and sobrang nag cocompliment sa peanut sauce nila. Alat at tamis kumbaga. The java rice is also really really good! Actually, may lasang chicken oil ng slight 'yung java rice nila kaya hindi mo na rin masyadong gagamitin 'yung chicken oil. Super sarap kapag hinaluan mo ng toyomansi nila! Grabe! Thinking about it makes me crave for it lalo. Hahaha. We'll probably order it again and again!
Disclaimer that this is an honest review.
No comments:
Post a Comment